Samahan ng mga Malalamig ang Pasko

1 Jack Daniels, 1 Double Black, 1 Black at Red Label, 1 John Barry Scotch.. Limang klase ng Whiskey at isang Bottomless Ice tea pangchaser. Whiskey na talaga ang itinagay para lang di lumamig ang pasko. Sa bawat inom kasi pinapalitan ng init ang bawat lamig sa puso.

Masaya ang maging single, pero sa ganitong panahon na kailangan mo ng karamay sa lumalamig na araw, di rin pala kinaya ng whiskey ang lamig.

 

Mommy: Nicos, o bakit? Teka teka. Sige anak ibuhos mo lang.

Nicos: Binasted ako ni Madina… through text. Sabi niya “You and I were kindred spirits?”

Sister: Kindred spirits?

Nicos: Konti na lang, soulmates na yun. Hmm, yung ilong naman niya, to the left, to the left. Although ang smile niya. Meron. Pero and puso niya. Wala. Wala siyang puso. Ito, pinag-ipunan ko pa sa maliit kong allowance. But that’s another issue.

Sister: Wawa naman Nicos.

Daddy: Oh, tama na yan.

Mommy: Sige Nicos, ibuhos mo pa.

Buhos lang ng buhos. Ganyan ang love ni mommy. Ganyan ang saya saNestea. Bottomless.

Nicos: Ahh.. Ayokong maging member ng SMP, Samahan ng Malalamig ang Pasko.

Mommy: Halika, hug kita.

Sister: Ahhh.. Basted.